Para sa pre-selling agents at brokers
Sinasagot mo lahat ng chat. Hindi mo lang masagot nang sabay-sabay.
Ang Sizmo ay CRM na may AI agent sa Facebook page mo. Sasagot agad ito sa "Magkano po?", kahit tulog ka o nasa tripping. Pag seryoso na ang buyer, ikaw na ang tutuloy. Kami ang mag-se-set up para sa'yo.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Kilala mo 'to
Sinagot mo agad. Nag-tripping pa kayo. Tapos, seen.
Hindi ka tamad. Ang dami lang talagang dumarating, at isa ka lang.
- "Hello po." Tapos wala na.
- "Pa-send po ng sample computation." Sinend mo. Hindi na sumagot.
- Natabunan ang chat ng buyer na seryoso pala.
- Sumagot ka kinaumagahan. Nakapag-reserve na pala siya sa iba.
- Puyat ka sa kakasagot, pero hindi mo na maalala kung sino ang kausap mo noong isang linggo.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Ang totoong butas
Hindi sa inquiry nawawala ang buyer. Sa pagitan.
Sa pagitan ng "Magkano po?" at ng sagot mo, nagtatanong na rin siya sa ibang agent.
Ang Messenger, para mag-chat. Hindi para magbantay. Bawat bagong message, tinutulak pababa ang luma. At yung buyer na nagsabing "next month na lang po"? Walang magpapaalala sa'yo pagdating ng next month.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Ganito gumagana
Sasagot agad. Ikaw ang tutuloy. May paalala araw-araw.
Kung kaya mong mag-Messenger, kaya mo 'to.
Nag-message ang buyer.
Sasagot agad ang AI agent, kahit gabi, gamit ang sarili mong presyo at detalye.
Itatanong kung ano ang hanap niya.
Pasok siya sa listahan mo, may stage: Bago, Nakausap, Tripping o Reservation.
Ikaw ang tutuloy.
Pag seryoso na, sumali ka sa parehong chat. Sizmo ang magpapaalala kung kailan babalikan.
Tuwing umaga, mag-sign in sa phone mo.
Nandoon ang listahan ng buyers mo, kung sino ang i-follow up ngayon, at ang mga tripping mo sa kalendaryo.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Follow-up na hindi makulit
Mag-follow up sa tamang oras, hindi sa hula.
Hindi pangungulit ang follow-up kapag alam mo kung kailan siya handa.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Founding 10
Para sa unang sampung agents at brokers.
₱3,500 kada buwan
sa unang dalawang buwan. Pagkatapos, ₱5,000 kada buwan. O ₱42,000 para sa isang buong taon.
Ang bawat reply ng AI agent ay may hiwalay na bayad ayon sa gamit, mga ₱2 kada reply. Makikita mo ang eksaktong rate bago ka magsimula.
- Sizmo CRM: may sarili kang login, sa phone o computer.
- AI agent sa Facebook page mo: sumasagot agad sa buyers, kahit gabi.
- Listahan ng buyers mo, may stage at paalala kung kailan babalikan.
- Kalendaryo para sa mga tripping mo.
- Para sa sarili mong Facebook page at Messenger.
- Set up kasama si CJ, para hindi ka magsisimula mag-isa.
- Ikaw at hanggang dalawang kasama mo sa team.
- Pwedeng tumigil kahit kailan, walang penalty.
Magtanong ka muna. Sa chat namin ise-send ang checkout link.
Sino ang nasa likod
Si CJ mismo ang magse-set up ng Sizmo mo.
Hindi ka iiwan sa isang app na hindi mo alam gamitin.
Ako si CJ Salamida. Higit 40 businesses na ang na-handle ko, kasama ang real estate. Sa Founding 10, ako mismo ang kasama mo sa setup.
- HighLevel Certified Admin
- Coach, HighLevel Accelerator
- 40+ businesses
Libre magtanong. Sampung slot lang.
May tanong ka pa?
Mga madalas itanong.
Kailangan ko bang marunong sa tech?
Hindi. Kami ang mag-se-set up ng AI agent at ng listahan mo, kasama ka. Ang trabaho mo lang: tumuloy sa usapan pag seryoso na ang buyer.
Robot ba ang sasagot sa buyers ko?
May AI agent na sasagot sa mga unang tanong nila, kahit gabi, gamit ang sarili mong detalye. Pag seryoso na ang usapan, ikaw na ang papasok sa parehong chat.
Libre naman ang Messenger. Bakit pa ako magbabayad?
Libre ang chat. Ang mahal, yung buyer na naghintay at lumipat sa iba. Ikaw ang mag-compute: ilang reservation ang kailangan para mabawi ang ₱3,500?
May dagdag bang bayad ang AI agent?
Oo, ayon sa gamit: mga ₱2 kada reply ng AI agent, bukod sa ₱3,500. Makikita mo ang eksaktong rate bago ka magsimula.
Paano magbayad?
Mag-message ka sa amin sa Messenger. Ise-send namin ang checkout link doon.
Ano ang mangyayari sa ikatlong buwan?
Magiging ₱5,000 kada buwan. Kung gusto mo ng mas tipid, may ₱42,000 kada taon.
Pwede ba akong tumigil kahit kailan?
Oo. Kahit kailan, walang penalty.
Pwede ba ang team ko?
Oo. Kasama ka at hanggang dalawang kasama mo sa team.
Libre magtanong. Sampung slot lang.
Sampung slot lang
Una-unahan, parang pre-selling.
Magtanong muna. Walang bayad ang chat.